DUTERTE “DESTABILIZER-IN-CHIEF” – HONTIVEROS

 

risa

HONTIVEROS: DUTERTE IS “DESTABILIZER-IN-CHIEF”

“Destabilizer-in-Chief.”

This was how Akbayan Senator Risa Hontiveros described President Rodrigo Duterte a day before the country commemorates the 46th anniversary of the declaration of Martial Law by the deposed dictator Ferdinand Marcos.

Responding to Duterte’s accusations that the opposition is involved in a destabilization plot to unseat him, Hontiveros said that Duterte is the real destabilizer of the country’s state of affairs, comparing the President to the late dictator Ferdinand Marcos. She said that under both regimes, thousands became victims of extrajudicial killings, both resorted to Martial Law, committed gross acts of human rights abuses, mismanaged the economy and persecuted the opposition and political dissidents.

“The President is desperately linking the opposition to a so-called destabilization plot not admitting that he is actually the country’s ‘destabilizer-in-chief.’ Like his idol, the dictator Ferdinand Marcos, President Duterte has destabilized the country’s economy and the price of basic goods and commodities, he has destablized our democracy and institutions of governnance,” Hontiveros said.

“If President Duterte is looking for destabilizers, he has only to look into a mirror,” Hontiveros added.

Hontiveros challenged Duterte to focus his time and energy on addressing the country’s worsening economic woes instead of “chasing ghosts of destabilization plots.”

“President Duterte should stop obsessing about destabilization conspiracies and start working to stabilize the economy through sound economic policies,” she said.

risa3

Full context of what Risa Hontiveros said about PRRD:

Si Pangulong Duterte ay hindi isang commander-in-chief kundi destabilizer-in-chief!

Tayo ay naririto ngayon sa Plaza Miranda upang gunitain ang kabayanihan, katapangan at sakripisyo ng lahat ng mga kumilos upang ipaglaban ang demokrasya ng bayan mula ng ibalot ng diktador na si Ferdinand Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Martial Law.

Ngunit bukod sa paggunita, tayo ay naririto rin upang buuin ang pinakamalawak na pagkakaisa ng sambayanan upang labanan ang bagong banta sa ating demokrasya at karapatang pantao. Tayo ay naririto upang sama-sama nating labanan ang bagong kadiliman ar diktaturya na bumabalot sa ating bayan.

Sabi ni Pangulong Duterte, tayo daw ay mga destabilizers. Mayroon daw tayong planong destabilization upang pabagsakin ang kanyang pamahalaan.

Pero ang katotohanan, si Pangulong Duterte ang tunay na destabilizer. Dinestabilize niya ang ating demokrasya. Dinestabilize niya ang ating ekonomiya. Dinestabilize niya ang ating kapayapaan. Dinestabilize niya ang presyo ng bigas at iba pang bilihin. Dinestabilize niya ang ating mga institusyon ng pamamahala. Si Pangulong Duterte ang tunay na destabilizer. Si Pangulong Duterte ay hindi isang commander-in-chief kundi destabilizer-in-chief!

 

Hinahamon natin si Pangulong Duterte na tigilan na niya ang kanyang kahibangan sa destabilization. Tigilan na niya ang kanyang kahibangan sa paggaya sa kanyang idolong diktador na si Marcos. Magtrabaho naman siya para sa mamamayan. Walang silbi ang matatapang na salita kung duwag naman at walang integridad ang pinuno! Ang gusto ng mamamayan ay demokrasya hindi diktaturya!

Mga kasama, kaibigan sa simbahan at kapwa kababaihan, ngayong araw ng pag-gunita natin sa rimarim ng Martial Law, ating gamitin ang araw na ito upang bigkisin ang ating lakas, talino at pagkakaisa upang ipaglaban ang ating demokrasya.

Maaari nila tayong takutin, ikulong at paslangin, maaari nila tayong lunurin sa fake news at ibalot ang bayan sa dilim, pero hinding-hindi nila makukulong at mapapatay ang ating paninindigan at demokratikong hangarin!

Eto ang ilan sa reaksyon ng mga netizens.

risa comment

Source: Senate of the Philippines / Facebook

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.