Duterte-Duterte sa 2022! “O wala na, Patay na oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito,” -Panelo

Kakain ng alikabok ang magtatangkang lumaban sa “Duterte-Duterte” tandem sa 2022 National Elections.

Huwag ninyo na lang sasabihin sa iba. Sikreto. Gusto ko itong Presidenteng ito tumakbong bise presidente sa kanyang tatakbo o pinatatakbo rin na anak na si Mayor Sara Duterte na presidente. O di po ba, ang ganda — Duterte-Duterte. O wala na. Patay na, patay na oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito.,” aniya ni Spox Panelo sa kanyang TV program sa channel 4.

Ito ang binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo makaraan niyang sabihin na nais niyang tumakbo bilang Bise Presidente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang ang anak naman ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ang tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Sinabi pa ni Sec. Panelo na hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malakanyang at tatapusin niya ang kaniyang termino sa kabila ng mga isyu sa kaniyang kalusugan.

Binigyang diin nito na walang sinumang makatatalo kapag nag-tandem na ang mag-amang Duterte.

Sa katunayan, nangyari na aniya ito nang magsilbi noon si Pangulong Duterte bilang Bise Alkalde ng Davao City habang Alkalde naman si Inday Sara mula 2010 hanggang 2013.

May pagkakataon ding sinabi ni Sec. Panelo kay Mayor Sara na parehas sila ng tatahaking landas ng kaniyang ama.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.