Duterte kay Pangilinan: “pinakabobo sa lahat ng abogado”!

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pinakabobo sa lahat ng abogado si Liberal Party President at Sen. Francis Pangilinan.

Binanatan ni Pangulong Duterte si Pangilinan dahil sa kanyang juvenile justice law.

“If you do not have anything to say except to criticize like Pangilinan, well, I’m sorry, pero shut up… ikaw yung abogadong alam kong pinakabobo sa lahat,” ani PangulongDuterte sa kanyang talumpati sa kauna-unahang ‘Subaraw Biodiversity Festival’ sa Puerto Princesa, Palawan.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang paggawa ng senador ng batas na pumipigil na makulong ang mga batang nakagawa ng krimen.

Si Pangilinan ang may-akda ng R.A 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na nagbibigay exemption sa mga menor de edad o 15 taon gulang pababa sa criminal liability.

Ani Pangulong Duterte, hindi mapanagot ang mga bata kahit pa sa kasong genocide dahil sa batas ni Pangilinan.

“Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin.” diing pahayag ng Punong Ehekutibo

watch the video here:

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.