Electoral protest ni Bongbong Marcos laban kay VP Robredo, ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal

Ibinasura ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos, laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay may kaugnayan sa inihaing protesta noon ni Marcos laban sa pangalawang pangulo.

Unanimous o buong pagkakaisa ang naging botohan ng mga mahistrado sa naturang electoral protest.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, wala pa silang hawak na kopya ng desisyon o resolusyon sa naturang protesta sa kasalukuyan, subalit ipo-post na lamang ang buong draft ng desisyon sa website ng Korte Suprema.

Tiniyak naman ng tagapagsalita ng Korte Suprema na mabibigyan ng kopya ng resolusyon ang lahat ng partido sa naturang electoral protest.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na maaari pang magsampa ng motion for reconsideration ang panig ni Marcos, subalit ayon sa ilang legal experts mahirap ng mabaligtad o ma-reverse ang naunang desisyon ng Korte Suprema sa pamamagitan ng unanimous vote.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.