Enchong Dee, may banat kay MMDA Spokesperson Pialago

Hindi maitago ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang pagkainis kay MMDA Spokesperson Celine Pialago nang naghayag ito ng kanyang sentimyento sa Pinoy sympathizer ng aktibistang si Reina Mae Nasino.

Kung matatandaan, matapos ang kaguluhan sa libing ni Baby River ay bumuhos ang batikos dahil sa diumano’y hindi makataong pagtrato ng BJMP at police officers kay Nasino sa lamay at libing ng yumao niyang anak.

Sabi ni Asec. Pialago sa kanyang socmed account: “Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan.”

Mixed reactions ang nakuha ni Asec. Pialago sa mga social media users.

Hindi naman nagpaawat si Enchong sa kanyang Twitter account at naghayag siya ng kanyang saloobin sa statement ni Asec.

“This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo.

“Bilang isang tao… ok lang talaga sayo??” sabi pa ni Enchong, published as is.

Kung matatandaan ay ni-retweet ni Enchong noon ang sinabi ng isang netizen tungkol kay Nasino: “Bakit kailangang naka-posas pa rin si Ina?! Hindi naman sya high profile or hindi naman sya threat sa security?!”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.