Erap, GMA, makikipagkita kay PRRD sa isyu ng WPS

Kapwa handa makipagpulong sina Former President Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu at usapin ng West Philippine Sea.

Sa ulat, sinabi ni dating senador Jinggoy Estrada na “very eager” ang kanyang ama na dumalo.

Samantala, depende naman aniya ito sa ebalwasyon ng kanyang doktor.

Gayundin ay sinabi ng staff ni Arroyo na tinanggap nito ang imbitasyon ng Pangulo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si dating President Fidel Ramos tungkol sa pagpupulong.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.