Ex-Comelec chair Benjamin Abalos lusot na sa kasong graft

Lusot na sa kasong graft si dating Commission on Elections chairperson Benjamin Abalos na iniuugnay sa pagbili ng dalawang Toyota Revo na nagkakahalaga ng P1.7 milyon noong 2003.

Batay sa ulat, nahaharap si Abalos sa graft dahil sa umano’y pagbili ng hindi dumadaan sa public bidding na siyang paglabag sa R.A. 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Sa desisyon ng korte, bigo ang prosekusyon na patunayan ang ‘guilt beyond reasonable doubt.’

Sa isang panayam, sinabi ni Abalos na minsan ay hindi siya kinabahan tungkol sa magiging desisyon ng korte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.