Ex-Justice Antonio Carpio, di kasali sa presidential bet ng oposisyon

Hindi pwedeng kumandidato bilang standard bearer ng grupong 1Sambayan si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Paglilinaw ito ni Atty. Howard Calleja, isa sa mga convenor ng 1SAMBAYAN sa virtual forum ng National Press Club Report to the Nation Save the Manila Bay.

Ayon kay Calleja, mayroon silang kasunduan sa grupo na ang mga convenor ay hindi lalahok sa halalan.

Sinabi ni Calleja, bukod sa kanya at sa dating mahistrado ay mayroon pang 21 convenor ang 1Sambayan, na ang layon ay patatagin ang laban ng oposisyon sa 2022 national election.

Ayon kay Calleja, sa ngayon ay wala pa silang napipili kung sino ang patatakbuhin sa presidential and vice presidential election.

Sinabi ni Calleja, na sa June 12, ay ilalatag na nila ang kanilang mga nominado sa pagka pangulo, pangalawang pangulo, at 12 senator, na dito ay bibigyang-pagkakataon ang publiko na pumili kung sino ang patatakbuhing kandidato sa pagkapangulo ng Bansa.

Sa naturang forum sinabi ni Calleja, na may ilan na ring pulitiko na pumapakabilang bakod.

Makikita aniya ang bulto ng mga magsisilipat ng partido pagdating ng kampanyahan sa March ng susunod na taon.SEARCH

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.