Ex-Ozamis Counsilor Ardot Parojinog natagpuang patay sa kanyang selda

Base sa report ng PNP, walang “violence” na naitala sa selda. Nagpatong ng P5-M na pabuya noong 2017 si Pres. Rodrigo Duterte sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan noon ni Parojinog, na sangkot umano sa iligal na droga.

Nakatakda sana siyang dumalo sa pagdinig ng kaso niya sa Ozamis City Court ngayong araw.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, nakakulong si Ardot sa Ozamiz City Police Station.

Ayon kay Banac na wala namang senyales ng pananakit sa katawan ni Ardot.

Agad namang iniutos ng bagong upong PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Parojinog.

Agad niya ring isinailalim ang hepe ng Ozamiz City Police chief at lahat ng night shift police personnel sa restrictive custody habang iniimbestigahan ang insidente.

Nahaharap sa kasong murder, illegal possession of firearms at illegal possession of explosives si Ardot.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.