Face mask manufacturing plant sa GenSan City, Nagsimula na ang operasyon

Nagsimula nang mag-manufacture ng face mask ang ISOMED Medical Co. sa Barangay Conel, sa General Santos City.

Sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng General Santos, malaking tulong ang pagbubukas nito dahil sa taas ng demand ng face mask bunsod ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Dalawang uri ng face mask ang ginagawa ng naturang planta gaya ng 4-ply at 3-ply surgical disposable mask na siyang sumasagot sa pangangailangan ng lokal na mga hospital, botika at maging ng mga processing plant sa lungsod at mga karatig lugar.

Aabot sa P50-milyon ang investment na pumasok sa lungsod dahil sa nasabing planta kung saan suportado ito ng City Economic Management and Cooperative Development Office (CEMCDO), upang mabigyan sila ng insentibo ng local na pamahalaan.

Mga kasapi naman ng Indigenous People ang mga empleyado ng nasabing planta na tumutulong para gumawa ng 1,500 face mask kada araw.

Bukod sa face mask, gumagawa din ang ISOMED ng PPEs, medical gowns, disposable bed sheet at hospital shoe cover.

Photo Courtesy📸 LGU GENSAN FB

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.