Face-to-face classes pinigil ni Pangulong Duterte

Binigyan ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Education (DepEd) na i-hold muna ang planong magsagawa ng face to face classes.

Nauna na kasing ipinanukala at inihirit ng DepEd kay Pangulong Duterte ang pagsasagawa ng pilot testing ng limited face-to-face

classes sa 1,904 eskuwelahan mula sa 126 school divisions sa iba’t ibang lugar.

Sa virtual presser kasama si Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito na napag-usapan sa cabinet meeting kagabi ang usaping ito.

Aniya, kinikilala naman ng departamento at ng pamahalaan ang hamon ng learning modalities na mas pinili na payagan ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ag kanilang edukasyon gayunpaman ay naniniwala naman ang Chief Executive na ang kaligtasan at ang kalusugan ng mga kabataan at namamahala sa pangangalaga at edukasyon ng mga ito ay pinakamahalaga.

“Hindi lang po kasi ang kapakanan ng mga bata ang pinag-uusapan dito kundi ang kapakanan ng kanilang mga pamilya at ng ating mga guro,” ayon kay CabSec Nograles.

Sa kabilang dako, kinikilala rin aniya ng Pangulo ang pagsisikap na mapagaan ang panganib nang pagdaraos ng face to face classes subalit naniniwala ang Punong Ehekutibo na ang maingat na paraan sa pagsulong ay i- hold ang nasabing face to face classes sa ngayon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.