Facebook pwede i-ban sa Pinas – tech expert

Kinumpirma ng isang tech expert na maaari ngang ipagbawal ang Facebook sa Pilipinas, kasunod ng pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing social media company.

Ang kailangan lang gawin, ayon kay Art Samaniego, ay ipag-utos ng gobyerno na i-ban ang FB ng mga telecommunications company.

“Technically, puwede. Utusan ko lang si Globe, si PLDT/Smart, at si DITO na i-block si Facebook at maba-block ‘yan,” ani Samaniego sa isang ulat.

“Pero hindi siya wise kasi it’s a form of censorship,” punto pa niya.

Matatandaang kinastigo ni Duterte ang Facebook dahil sa pagtanggal sa mga account at page sa kanilang site, pati na mga Instagram account, na may kaugnayan sa militar at pulisya.

“Hindi na puwede ‘yan. You cannot lay down a policy for my government. I allow you (Facebook) to operate here. You cannot bar or prevent me from espousing the objectives of government,” dagdag niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.