FDA, bibisita sa Russia para i-evaluate ang Sputnik-V

Magpapadala ang Food and Drug Administration (FDA) ng team patungong Russia upang bisitahin ang manufacturing facility ng Gamaleya Research Institute na lumikha sa COVID-19 vaccine na “Sputnik-V”.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, bibiyahe patungong Russia ang dalawa o tatlong miyembro ng team sa ikatlong linggo ng Marso.

Iinspeksyunin aniya ng team ang pasilidad para suriin ang Good Manufacturing Practice.

Sinabi ni Domingo na bahagi ito ng pag-evaluate sa application ng Gamaleya para sa Emergency Use Authorization (EUA).

Wala pang eksaktong time frame kung kailan dedesisyunan ang EUA application ng Sputnik-V at dedepende pa sa resulta ng inspeksyon.

Samantala, hindi pa sinisimulan ang evaluation sa Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm dahil hindi pa ito nagbabayad ng application fee at wala pang tugon matapos bigyan ng listahan ng requirements.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.