“Fear-based” approach ni Pangulong Duterte inalmahan ni Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi epektibo ang pananakot upang pamunuan ang isang bansa.

“Kasi kapag parang subject na kailangan sumunod sa order. Kapag ‘di kayo sumunod makukulong kayo o pwedeng may harm na mangyari sa inyo. Parang laging nag-o-operate tayo sa takot kapag ganyan, at para sa akin hindi effective,” punto ni Robredo sa weekly radio program nito.

Ito ay matapos ang suhestyon ni Pangulong Duterte na bigyan ng armas ang mga sibilyang anti-crime volunteers.

Aniya dapat hikayating makisali ang publiko imbes na tratuhing parang “subjects.”

“‘Yung sa’kin kasi pag-aarmas ang laking responsibility niyan. Ang laking acocutnability at hindi basta-basta kasi yung parang espasyo sa pang-aabuso ang laki — yung risk ang laki,” ayon kay Robredo.

Ang suhestyon ni Duterte ay sa paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers.

“If he goes voluntarily with you, good, it is ideal. But if they resist arrest violently, then you have the right to do your thing [that is] commensurate. You are not supposed to kill a person lying, kneeling, begging for his life,” giit ni Duterte.

Siniguro naman ni NP chief Police General Guillermo Eleazar na para sa prokesyon lamang ang anti-crime civilian volunteers ang suhestyong pagbibigay ng armas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.