Financial Transactions ng CPP-NPA-NDF, pinaiimbestigahan sa Kamara

Nais paimbestigahan sa Kamara ang financial transactions ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-​National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito’y para matukoy kung sino-sino ang taga suporta ng mga makakaliwang grupo.

Kinokondena rin ng House Resolution 1905 ng Duterte Youth Party-list ang pagkamatay ng mga Absalon sa Masbate na inako ng CPP-NPA.

Para naman sa dating NPA kadre na si Ka Eric, tiyak na hindi dadalo ang mga makakaliwa sa ipatatawag na imbestigasyon.

Pero may mungkahi ito kung paano ang takbo ng gagawing pagsisiyasayat.

“On the part of the government, we cannot compel the CPP-NPA-NDF na mag-cooperate kalaban yan ng gobyerno eh. Yung pinakamahalaga yung pagback-track at pag-identify ng mga nag-iinvolve sa financing dahil may batas kasi tao diyan. Maliban sa Anti-Terrorism Law, meron tayong Anti-Terrorism Financing Law,” ani Ka Eric.

“May mga Anti-Money Laundering Council Resolution at kung kailangan palalakasin ang mga batas na ito, yun ang direksyon ng government upang ang law enforcement and legal capability ng gobyerno na habulin at supilin ang finance generation, ang supply line at ang funding na nanggagaling sa extortion at mga sindikato na criminal activities ay ma-identify na rin natin ang network nila.”

Diin pa ni Ka Eric, matagal nang dapat ginawa ang imbestigasyon.

Tiniyak din nito ang presensya nilang mga dating kadre oras na ikasa na ang pagdinig.

“I think that investigation at Congress ay matagal nang dapat ginawa pero yun dapat ang nature ang investigation. Because wala kang resource person na makukuha na active pa sa CPP-NPA-NDF. Ang makukuha mo diyan, mga kagaya naman na mga former rebels and former cadres so that we can discuss correctly ng mga pamamaraan nila at modus operandi,” saad pa ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, isang dating Kadre ng NPA.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.