Fishing ban ng China sa bahagi ng West Philippine Sea, hindi kikilalanin – NTF-WPS

Hindi kikilalanin ng gobyerno ang unilateral fishing ban ng China sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay National Security Adviser at National Task Force for the West Philippine Sea Chairperson Secretary Hermogenes Esperon, ipinatutupad ang nasabing fishing ban sa hilagang bahagi ng 12th parallel mula Mayo 1 hanggang Agosto 2021.

Hindi anya nito sakop ang mga mangingisdang Pilipino at hindi ito maaaring ipatupad sa karagatang nasa hurisdiksyon ng Pilipinas.

Kasabay nito, hinimok ang mga mangingisdang Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang pangingisda sa West Philippine Sea.

Una nang tiniyak ni Esperon ang patuloy na maritime patrols ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Exclusive Economy Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.