FIST bill, isinalang na sa plenaryo ng Senado

Isinalang na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na tulungan ang mga bangko at financial institutions na makabangon mula sa recession na idinulot ng COVID-19 pandemic — ito ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) bill.

Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Banks Chairperson Senador Grace Poe, sinabi niyang ang Senate Bill 1849 ay isang proactive response para sa epekto ng pandemya at kasing halaga ng Bayanihan 1 at 2 pagdating sa pagpapasiglang muli ng ating ekonomiya.

Giit ni Poe, bago matulungan ng mga bangko ang mga maliliit na negosyo sa bansa, dapat munang ang mga bangko mismo ang ating tulungan.

Sa ilalim ng panukala, tutulungan ang mga bangko at financial institution na ibenta ang kanilang non-performing assets o NPAs sa mga asset management companies sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tax incentives.

Sinabi ng senadora na base sa datos, posibleng umabot sa ₱635-billion pesos ang mga non performing assets sa bansa hanggang sa katapusan ng 2020.

At ayon aniya sa NEDA, ay maaari umabot ng hanggang ₱1.19-trillion pesos na halaga ng utang ang matutugunan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga NPAs.

Sa pamamagitan rin aniya ng pagpapasa ng naturang panukala ay matutulungan ang nasa 600 thousand na micro, small and medium enterprises (MSMEs) at makakapagsagip ng halos 3.5 million na trabaho.

Nakasaad sa panukala ang mas mahabang applicability period para sa mga asset na naging non-performing na hanggang December 31, 2021.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng sapat na panahon ang mga institusyong pinansyal na pag-aralan kung kailangan na bang idispatsa ang mga nasabing asset.

Sa oras na mapagtibay ang batas, sinabi ni Poe na agad itong isasakatuparan kahit wala pang implementing rules and regulations.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.