Frequencies ng ABS-CBN babawiin na ng NTC

Pinababawi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng frequencies o channels na naka-assign sa ABS-CBN corporation.

Batay sa inilabas na kautusan ng NTC, ang pagbawi sa mga channel at frequency ng ABS-CBN ay dahil sa maling paggamit ng kanilang prangkisa.

Maging ang pagbasura ng kongreso sa kanilang bagong prangkisa at pagbasura sa kanilang petisyon sa Supreme Court.

Iginiit ng NTC na walang valid franchise ang ABS-CBN para ipagpatuloy pa ang pag-operate ng television at radio broadcasting station sa buong bansa.

Matatandaang Mayo 5 nang magsara ang ABS-CBN matapos hind pagbigyan ng kongreso ang kanilang franchise renewal.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.