Gabby Lopez, ‘hindi dapat nagmamay-ari ng media company dahil sa dual citizenship

Naniniwala ang ilang mambabatas na hindi eligible na mag may-ari ng media company si ABS CBN Corp chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III dahil sa pagkakaroon nya ng dual citizenship.

Si Lopez ay humarap kahapon sa zoom meeting ng Kamara sa pagpapatuloy ng pagtalakay nito sa ABS CBN franchise renewal application, sa nasabing pagdinig ay kinupirma ng kampo ni Lopez ang pagkakaraoon nito ng dual citizenship dahil ipinanganak sya sa Estados Unidos kaya isa syang american citizen at isa din itong Filipino dahil ang kanyang mga magulang ay Filipino.

Umikot naman ang tanong ng mga mambabatas sa kung tama ba na magmay ari ng mass media company si Lopez gayong ang nakasaad sa Article XVI, Section 11 ng 1987 Constitution ay “ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations, wholly-owned and managed by such citizens.”

Para kay Anakalusugan Partylist Rep Mike Defensor, diskuwalipikado si Lopez na magmay ari ng mass media company.

“Lopez’s dual citizenship casts doubt on his true faith and allegiance to the Philippines.Those who handle and acquire mass media in the Philippines must be required to have “full Filipino citizenship,” the same way concerned barangay officials are required under the Local Government Code to renounce their foreign citizenship before assuming public office”pahayag ni Defensor.

Ani Defensor, masasabing mas pinili na ni Lopez ang pagiging US citizen nito nang kumuha ito ng american passport noong 1996.

Giit naman ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin na sa ilalim umano ng Jus soli principle ang citizenship ng isang tao ay nakadetermina kung saan sya ipinanganak.

“Undeniably, Gabby Lopez is a natural-born [Filipino] citizen, but he is also an American citizen by virtue of ju soli applied in the American law. Ang tanong po is whether a dual citizen can own a mass media company,” pahayag ni Garbin.

Sinabi naman ni Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla na maituturung na “half-Filipino at half-American” si Lopez.

Kaya para kay House Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa ganitong sitwasyon ay malinaw na hindi dapat magmayri ng media company si Lopez dahil hindi ito maituturing na buong buo na isang Pinoy.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.