Gabby Lopez, Nagbitiw na sa puwesto bilang Chairman ng ABS-CBN

Nagbitiw na sa puwesto si Eugenio “Gabby” Lopez III bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation.

Personal na kadahilanan naman ang ibinigay na rason ni Lopez sa kanyang pagbibitiw.

Nagsumite rin si Lopez ng kanyang resignations bilang director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation at Rockwell Land Corporation.

Effective immediately ang pagbibitiw ni Lopez.

Samantala, itinalaga naman ng Board of Directors si Mr. Mario Luza Bautista bilang direktor ng koporasyon na binakante ni Lopez.

Matatandaang ipinasara na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN matapos mabigong makakuha ng franchise renewal sa Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.