Gastos ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19, halos nasa ₱1-T na — Pangulong Duterte

Nasa halos isang trilyong piso na ang nagugol ng bansa sa COVID response nito.

Kaya sa ikalawang bahagi ng Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte ay muli nitong sinabi ang una na nitong pahayag na baka magbenta na siya ng government property gayung ubos na aniya ang pera natin.

Ganunpaman, inihayag ng Pangulo na nais niya pa ring ipagpatuloy ang pagtatayo ng infrastructures na magagamit sa pagtugon ng pamahalaan kontra COVID-19 lalo na’t wala aniyang nakababatid kung ano ang mangyayari ngayong may bagong variant pa ng virus.

Kailangan, ayon sa Pangulo, ng calibration sa ginagawang preparasyon lalo’t kapag dumami na ang tinatamaan ng kinatatakutang variant.

Hindi rin aniya kasi dapat magpakampante na kung saan ay inihalimbawa ng Pangulo ang Taiwan na unang na-clear sa COVID ngunit muling nagpatupad ng lockdown dahil sa muling pagkakalusot sa kanila ng virus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.