Gen. Eleazar, nanawagan sa netizens na isumbong ang mga paglabag sa physical distancing

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations at JTF COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar sa mga netizen na patuloy na ipaalam sa kanila ang mga paglabag sa quarantine regulations sa ilalim ng bagong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang pahayag ay ginawa ni Eleazar matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng umano’y paglabag sa physical distancing sa pagdagsa ng mga tao sa mga mall nitong Sabado, ang unang araw ng MECQ.

Binalaan ni Eleazar ang mga mall owner na ipapasara ang kanilang mga establisimyento kung hindi nila maipatutupad ang one person per two square meters common floor area sa loob ng kanilang mga mall.

Inatasan ni Eleazar ang PNP commanders na nakakasakop sa mga naturang mall na makipag-ugnayan sa mga mall security para sa mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga mall, at iba pang quarantine protocols tulad ng pagsusuot ng face mask.

Nitong Sabado ay nag-ikot si General Eleazar sa ilang mga Quarantine Control Points, malls at ilang business establishments sa Antipolo City para masiguro na nasusunod pa rin ang quarantine protocols sa ilalim ng Modified ECQ.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.