Gen. Parlade, Peace Talks sa CPP kalokohan lang

Isang malaking kalokohan kung ipagpagpapatuloy ng pamahalaan ang peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito ang sinabi ni Armed Forces Southern Luzon Command chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa mga mambabatas sa pagdinig sa Senado ng usapin sa red-tagging.

“To say na ang peace talks ay dapat nating balikan, ‘yan po ay malaking kalokohan,” ang naging kasagutan ni Parlade nang banggitin ni Sen. Kiko Pangilinan ang kahalagahan ng agresibong usaping pangkapayapaan sa pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa.

Bagaman kinilalang matagumpay ang usaping pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberatio, sinabi ni Perlade na hindi naman ito totoo sa isasagawang usaping pangkapayaan ng pamahalaan sa Communist Party of the Philippines.

Ipinaliwanag ni Parlade na sinasamantala lang ng rebeldeng grupo ang usapin sa kanilang paglulunsad ng atake sa pamahalaan. Front had been successful, Parlade said this does not hold true for the government’s negotiation with the CPP.

Iginiit naman ni Pangilinan na ang pagsasabi ni Parlade na ang muling pagbabalik ng usaping pangkapayapaan ay isang malaking kalokohan ay hindi naaayon sa batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.