Gen. Parlade tinukoy ang 18 paaralang may NPA recruitment

Tinukoy ng isang opisyal mula sa militar ang ilang unibersidad at kolehiyo sa bansa na mistulang 18 learning institutions na may recruitment ng NPA.

Sa panayam ng GMA News’ Super Radyo dzBB, sinabi ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr., spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), naitala nila ang nasa 18 colleges at universities na karamihan ay nasa National Capital Region kung saan nagaganap ang communist recruitment activities.

Batay kay Lt. Gen. Parlade, bukod sa University of the Philippines (UP), tinukoy rin ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), Ateneo de Manila University (ADMU), University of Santo Tomas (UST), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), De La Salle University (DLSU), University of Makati, at iba pa.

“Mas mapag-aaralan ang nangyayaring recruitment ng CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) sa UP matapos maibasura ang UP-DND Accord.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.