GMA Network, bibilhin ulit ang PDRs sa mga foreign national

Inihayag ng GMA Network na muli nitong bibilihin ang Philippine Depositary Receipts o PDRs na hawak ng mga foreign national na isa sa itinuturing na violation na nakita ng Kongreso dahilan para ipasara ang ABS-CBN.

Ayon sa nasabing network, bibilhin nito ng P4.56 ang mga PDR base na rin sa presyuhan sa market, at gagawing common shares ng kompanya

Nabatid na ito ang naging desisyon ng board of directors ng GMA para proteksyunan ang mga investment na hawak ng mga non-Filipino.

Ipinaliwanag nila na ginawa nila ito dahil aniya,“ it might be affected by the findings and recommendations of the Technical Working Group as adopted by the House of Representatives Committee on Legislative Franchises on the application for a new franchise of ABS-CBN Corporation.”

Sa kasagsagan ng congressional hearings, pinayagan ng Securities and Exchange Commission ang pagbibigay ng PDRs sa ABS-CBN at GMA.

Sinabi rin ng mga mambabatas na tututukan nila ang mga PDR ng kapuso network matapos ihayag ng nasabing network na handa silang ibigay ang lahat ng hihilinging dokumento ng panel. (R)

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.