Go-Duterte tandem, nagkaisang i-endorso ng PDP-LABAN

Nagkaisa ang National Executive Council ng PDP-LABAN na i-endorso ang Go-Duterte tandem sa 2022 national elections.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Melvin Matibag, secretary-general ng PDP Laban sa panayam ng Sonshine radio.

Ngunit nilinaw naman nito na ang naturang rekomendasyon ay kailangan pang dumaan sa proseso.

Dagdag pa ni Matibag, malalaman ang pinal na desisyon ng mayorya sa isasagawang national convention ng partido sa Nobyembre.

Ayon pa kay matibag, ang Go-Duterte Tandem ay isa rin sa kanilang tugon sa mga paratang na nag-eendorso sila ng kandidatong hindi kasama sa partido.

Muling namang iginiit ni Senator Go na tatakbo lamang ito sa pagkapangulo sa darating na halalan kung ang magiging running mate nito ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Go matapos itong ma-nominate ng mga opisyal ng partido PDP-Laban bilang standard bearer kung saan makatatambal nito si Pangulong Duterte bilang bise-presidente.

Ayon pa sa senador, muli niyang ipinauubaya sa Diyos, sa pamilya Duterte at sa taumbayan ang kanyang kapalaran.

Ngunit nilinaw pa rin ni Go sa taumbayan na ihuli na ito sa kanilang pinagpipilian dahil hindi aniya siya interesado na maging pangulo ng bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.