Gobyerno, Maynilad nagkasundo na sa water deal

Dalawang water concessionaires na ang pumayag sa kasunduan at hayaan na ang arbitral award at pag-terminate sa lahat ng pagdinig sa gobyerno ng Pilipinas.

Sa mensahe ni Department of Justice Menardo Guevarr: “the MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) and Maynilad Water Services Inc. (MWSI) are ready to sign their revised water concession agreement today (Tuesday)”.

“Like the other concessionaire, Manila Water Co. Inc. (MWCI), “Maynilad will also sign an official waiver of its arbitral award to terminate all related proceedings,” dagdag pa ng SOJ.

Sinabi rin ni Guevarra na ang ilang onerous provision, tulad ng non-interference clause and charging corporate income tax to consumers ay kinalos na.

Kapwa nagkasundo rin ang Manila Water at Maynilad na magpatupad ng tariff freeze hanggang Disyembre 31, 2022.

Matatandaang pinanigan ng Singapore-based Permanent Court of Arbitration noong 2019 ang mga water concessionaire at iniatas sa gobyerno ng Pilipinas na magbayad ng P3.4 bilyon at P7.39 billion sa Maynilad at MWCI, base sa pagkakasunod.

Sa panibagong deal, hindi na ito pinababayad ng water concessionaires, at hindi na rin ipagpapatuloy ang reklamo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.