Gobyerno naghahanda na sa pagbabakuna sa 12-17 age group – Sec Galvez

Naghahanda na ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 kasama ang Metro Manila mayors para sa pagpapalawig ng COVID-19 vaccination program sa nasa edad 12-17, batay kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

“We are looking at expanding the vaccine rollout to the younger population or those 12 to 17 years old in NCR. We are awaiting the recommendation of our vaccine and public health experts regarding this matter, but the NTF along with Metro Manila mayors, have started preparations for this expansion,” saad ni Galvez.

Nauna na nga ritong magbukas ng rehistrasyon ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

“Mainam naming pinaghahandaan kasama ng MMDA [Metro Manila Development Authority] at ng mga butihing mayor ng bawat lungsod sa Metro Manila ang mga susunod na hakbang para sa maayos at ligtas na pagbabakuna sa ating mga kabataan.”

Punto ni Galvez, oras na maging sapat ang suplay ng bakuna kasabay ng rekomendasyon ng health experts, sisimulan na ng gobyerno ang pediatric vaccination.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.