Good news! 10-year validity ng driver’s license, sisimulan ng ipatupad sa susunod na taon

Papalawigin na ng Land Transportation Office (LTO) ng hanggang sampung taon ang driver’s license simula sa susunod na taon.

Ito ang magandang balita na inanunsyo ni Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante, sa isang online media forum.

Sabi ni Galvante, prayoridad na makakatikim ng 10-year validity ng driver’s license ang mga tsuper na walang record ng ano mang traffic violation na nasa data base ng LTO.

Sisimulan ang pag-iisyu ng 10-year validity ng driver’s license sa October 2021, bilang insentibo sa mga driver na sumusunod sa batas trapiko.

Ngunit hindi daw lahat ng driver na kukuha ng lisensya sa susunod na taon ay agad bibigyan ng 10-year driver’s license validity, dahil mayroong demerit system na ipatutupad sa mga traffic violator.

Kung ang isang driver ay nahuling nagmaneho na nasa impluwensya ng droga at alak, ituturing itong grave demerits habang ang mga violator na nahuli sa paglabag sa traffic rules ay ituturing na less at light grave.

Kailangan daw munang pagdusahan ng mga violator ang parusang ibibigay ng LTO, bago sila makakuha ng 10-year validity ng bago nilang driver’s license.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.