Good news! 117,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, darating na sa Pilipinas

Nagbigay na ng commitment ang World Health Organization (WHO) na sa April darating ang 117, 000 ng Pfizer COVID-19 vaccines, na donasyon ng COVAX facility sa Pilipinas.

“Nag commit na po ang WHO na darating po yung 117,000 doses ng Pfizer ngayong Abril, sa susunod na buwan.” —Secretary Dizon.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, ang mga bakunang ito ng Pfizer ay magagamit sa mga medical frontliner, lalo at nangangailangan ang bansa ng 3.4 million doses na bakuna para sa 1.7 million health workers.

Sinabi ng kalihim, na malaking bagay ito, lalo at priority ng pamahalaan na matapos mabakunahan ang mga health frontliner hanggang April at May.

“Kaya malaking bagay din po ito lalung-lalo na para sa ating mga health workers na priority nating matapos, hanggang sa buwan ng Abril at Mayo.” —Secretary Dizon.

Samantala, ang bakuna naman mula sa Moderna ay inaasahang darating sa bansa sa kalagitnaan ng 2021.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.12 million doses na bakuna ang dumating sa bansa mula sa Sinovac at AstraZeneca.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.