Good news: 2 bagong light twin engine helicopter ng PCG, dumating na sa bansa

May karagdagan nang kagamitan ang Philippine Coast Guard (PCG) na magagamit sa pagsasagawa ng critical missions.

Ito ay ang dalawang bagong light twin engine helicopters n na ginawa at dinesenyo sa Germany na maggaamit ng PCG Aviation Force.

Mayroong tail numbers CGH-1451 at CGH-1452 ang dalawang bagong aerial assets at mayroong high frequency radios, emergency flotation gears, fast-roping, cargo sling, search light, at electro-optical systems.

Sa ngayon ay gagamitin muna ang dalawang chopper sa pagtugon sa pandemya o humanitarian assistance at disaster responce operation ng PCG.

Kabilang dito ang paghahatid ng mga personal protective equipment (PPE) sets, medical supplies, at mga gamot sa malalayong lugar at coastal communities.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.