Good news! Cavite-Laguna Expressway (CALAX) bukas na sa mga motorista – Duterte Admin

Binuksan na sa mga motorista ang unang segment ng Cavite-Laguna Expressway (Calax) na magmumula sa Mamplasan Barrier papunta sa Santa Rosa-Tagaytay Interchange.

Pinangunahan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang pagbubukas na ginanap nitong October 30.

Ayon kay Villar, ito ay upang mabigyan ng mas maluwag na daanan ang libo-libong mga sasakyan na dumagsa para sa paggunita sa Undas.

Magiging bukas sa mga magdaraan ang naturang segment ng Calax mula 6:00 am hanggang 6:00 pm Linggo hanggang Huwebes at 6:00 am hanggang 10:00 pm Biyernes at Sabado.

Ang P35 billion, 45-kilometer na Calax ay magkokonekta sa Cavitex sa Kawit at South Luzon Expressway (SLEX) sa Mamplasan Interchange sa Biñan, Laguna.

Magkakaroon ito ng walong mga iterchange sa mga lugar ng Kawit, Imus Open Canal, Governor’s Drive, Aguinaldo Highway, Silang, Sta. Rosa-Tagaytay, Laguna Blvd., Technopark at sa Toll Barrier bago ang SLEX.

Gagamit dito ng mga makabagong teknolohiya katulad ng Automatic License Plate Recognition System para sa barrier-less entry at mga high-definition CCTV para masiguro ang ligtas at maayos na paglalakbay dito.

Ayon pa kay Villar, inobliga nila ang contractor ng Calax na tapusin ang segment bago ang Undas para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga palagiang problema ng mga motorista na Laguna Boulevard at Aguinaldo Highway.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.