Good news! Department of OFW, kumpiyansang maisasabatas bago matapos ang taon

Positibo ang Joint Oversight Committee ng Kamara na tumatalakay sa pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW) na maipapasa nila ang panukala bago matapos ang taon.

Ayon sa Komite, posibleng matapos na nila ngayong linggo ang substitute bill para sa pagbuo ng naturang kagawaran.

Kakailanganin naman ng P2 billion para pondohan ang kagawaran.

Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang magiging core agency ng departamento upang hindi masira ang kasalukuyang sistema, expertise at mga tauhan.

Pangunahing sakop ng DOFW ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) abroad, mga OFW na umuwi na sa Pilipinas, ang pamilya ng mga OFW at maging ang mga Filipino migrants abroad.

Magtatatag din ng regional offices ang DOFW sa buong bansa upang hindi na kakailanganin na lumuwas sa Metro Manila ang mga OFW at mga kaanak ng mga ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.