Good news! Gumagana na ang Libreng WiFi sa pilot area ng Marikina City

Gumagana na ang libreng WiFi malapit sa Marikina City Hall.

Kasunod ito ng pag-apruba ng city ordinance ng Marikina City Council, na nagbibigay ng libreng WiFi Access sa mga residente ng lungsod, na magkaroon ng Free Wifi Zone.

Ayon kay Percival Canlas, head IT section ng City Council, ang konsepto ng proyekto ay ibahagi ang internet connection ng pamahalaang lungsod sa mga residente.

Pero nilinaw niya, na hindi pa lahat ng barangay ay masasakop na ng free WiFi connection bagamat pinag-aaralan pa ito.

Limitado lamang ito sa mga public school, parks at iba pang strategic areas sa lungsod.

Unang pilot area na nagkaroon nito ay ang Freedom Park na malapit sa city hall.

Magkakaroon ng free access ang publiko sa internet mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, kung saan hindi ginagamit ng mga city official at employees ang network services.

Habang alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi naman tuwing weekends kasama ang holidays.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.