Good news: Inflation rate, bumaba sa 3.3% ngayong Marso

Patuloy na bumababa ang inflation rate ng bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes.

Bumaba kasi sa ikalimang magkakasunod na pagkakataon ang inflation rate ng bansa nitong Marso sa 3.3% kumpara sa 3.8% noong Pebrero.

“This is the lowest inflation rate since January 2018,” ani PSA Assistant Secretary Josie Perez sa press conference sa Quezon City.

Ang tatlong contributors sa kabuuang inflation rate ng bansa ay ang pagkain at non-alcoholic beverages; pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo; at restaurant and miscellaneous goods and services

Source: Philippine Statistics Authority

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.