Good news! Kamara target na maipasa ang panukalang bubuo ng Dep’t of OFW bago matapos ang taon

Target ng Kamara na maipasa sa Nobyembre o Disyembre ang panukalang batas na bubuo sa isang Department of Overseas Filipino Worker.

Ito ang inihayag ni House Committee on Government Reorganization Chairperson Mario Vittorio Mariño sa gitna ng isinasagawang pagdinig ng kanyang komite kasama ang Overseas Workers Affairs Committee.

Dumalo sa unang pagdinig ang ilang kinatawan mula sa iba’t-ibang grupo ng OFW at OFW advocates na ipinarating ang mga kalbaryo ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Marami sa kanila ay may kuwento ng paghihirap at pagmamaltrato.

Panawagan nila hindi lang sa Kongreso pati kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing pamasko na sa mga OFW ang pagtatatag ng isang departamento na tututok sa kanilang proteksyon.

Sa kabuuan, 31 House bills ang target i-consolidate ng komite kasama na dito ang House Bill number 2 na si House Speaker Alan Peter Cayetano ang may-akda.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.