Good news! Konstruksyon ng P735-B Bulacan International Airport magsisimula bago matapos ang taong 2019 -SMC’s Ang

Lumagda na ng official contract ang San Miguel Holdings Corporation (SMHC) mula sa Department of Transportation (DOTr) sa pagpapatayo ng bagong international airport sa Bulacan.

watch the video here:

Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at San Miguel President at Chief Operating Officer Ramon Ang ang paglagda sa concession agreement nitong Miyerkoles ng umaga, Setyembre 18, 2019, sa ASEAN Convention Center sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

Ibig sabihin ay maaari nang simulan ng SMHC ang pagbuo at pagsasaayos ng bagong paliparan na tatawaging “New Manila International Airport.”

Unang naihain ni Ang ang panukala sa pagpapatayo ng nasabing airport noon pang 2016, itatayo sa 2,500 hektaryang lupa sa Bulacan, Bulacan at nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng P735-billion.

Kapag naitayo na ang paliparan sa Bulacan, inaasahan na mababawasan na ang congestion ng mga eroplano at pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.

Tinatantyang nasa 100 milyong pasahero ang kayang serbisyuhan ng New Manila International Airport kada taon.

Samantala, niluluto rin ang paggawa sa isang 8.4 kilometrong tollway patungong North Luzon Expressway para mapadali ang biyahe ng mga pasahero.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.