Good news! LRT-1 Cavite Extension project sinimulan na ng Duterte Administration

watch the video here:

SA WAKAS! SIMULA NA ngayon ng ACTUAL CONSTRUCTION ng LRT-1 CAVITE EXTENSION Project!

Dahil sa masigasig at buong pusong pagseserbisyo ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Arthur Tugade, katuwang ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corporation (LRMC), handa na ang lahat ng salik ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Mula sa on-track delivery schedule ng 120 LRVs, ang kontrata para sa Baclaran Depot expansion at Zapote Depot Construction, hanggang sa certification mula sa independent consultant na “free and clear” ang mahigit 90% ng Right of Way para sa Package 01 ng proyekto — plantsado na!

SA WAKAS, masisimulan na ang proyektong maghahatid ng maginhawang biyahe sa ating mga kababayan sa southern Metro Manila.

Pagsapit ng 4th Quarter ng taong 2021, magiging partially operable na ang limang istasyon ng LRT-1 Cavite Extension.

SA WAKAS, abot-kamay na ng mga Pilipino ang mas maginhawa at mas kumportableng pamumuhay na pangako ng administrasyong Duterte.

SA WAKAS, matapos ang matagal na paghihintay, umusad na ang 11.7-kilometer railway extension project sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC).

“We are not doing a groundbreaking today. What we are doing today is actually celebrating the full construction of a dream that was pending in previous administrations and is now a reality,” ani DOTr Secretary Arthur P. Tugade sa kanyang talumpati.

“It has been 18 years, 8 months, and 13 days since the LRT-1 Cavite Extension Project was approved by the NEDA Investment Coordination Committee on August 25, 2000. Ngayon po, matapos ang halos dalawang dekada at makalipas ang tatlong administrasyon ay sa wakas, nandito na ang lahat ng kailangan para umusad at matapos ang LRT-1 Cavite Extension,” dagdag ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.