Good news! LRT-2 commuters may libreng sakay sa Santolan, Antipolo station

Inihandog ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang libreng sakay sa Santolan at Antipolo stations sa loob ng dalawang linggo, batay kay Presidente Rodrigo Duterte.

“Sabi ko ‘Art, pwede bang isa, dalawa o kaya mo dalawang linggong libreng pasakay? Para naman maligayahan yung mga tao, lalo na yung mga estudyante. Can I ask for a moratorium sa bayad?’” lahad ni Pangulong Duterte.

“Two weeks daw, kaya daw niya. Mabuhay si Art Tugade!”

“Yung libre for two weeks would be from Santolan to Antipolo stations and vice versa,” paglilinaw pa nito.

Iniulat na ang pagbubukas ng LRT-2’s Marikina-Pasig and Antipolo station ay magdaragdag ng 80,000 na kapasidad at magpapaikli sa biyahe ng Recto hanggang Antipolo, vice versa sa apat na minuto.

“Indeed this project will improve mobility ang ensure transportation connectivity especially in the busy part of Metro Manila.”

Magsisimula ang operasyon sa Hulyo 6.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.