Good news! Medical scholarship para sa mga nais maging doktor, isa nang ganap na batas

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11509 o Doktor Para sa Bayan Act, na magbibigay ng medical scholarship sa mga nagnanais maging doktor.

Sa ilalim ng batas, kwalipikado sa scholarship grant na ito ang mga mahihirap ngunit deserving na estudyanteng Pinoy ng state universities and colleges, at mga private higher education institution, mula sa mga rehiyon na walang SUCs na nag-aalok ng kursong medisina.

Kalauan, ang mga scholar na ito naman ay inaasahang magsisilbi sa mga government o public hospital ng hindi bababa sa isang taon.

Layon ng batas na ito, na tugunan ang kakulangan sa mga doktor sa bansa.

Samantala, pirmado na rin ng Pangulo ang RA 11510 o Alternative Learning Act, na layong magtayo ng learning center sa bawat siyudad at munisipalidad para sa mga mag-aaral na may kapansanan, para sa mga mag-aaral na mula sa marginalized sector, at para na rin sa mga may edad na, na nais pa ring magtapos ng formal basic education.

Nilagdaan rin ni Pangulong Duterte ang RA 11511 o ang amyenda sa Organic Agriculture Act of 2010, at ang RA 11517, ang batas na nago-otrisa sa Pangulo ng bansa na pabilisin ang mga proseso at paglalabas ng national at local permits, mga lisensya at mga sertipikasyon tuwing mayroong national emergency.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.