Good News! mga bagong Dailan Trains dineploy na ng duterte administration. Panoorin!

watch the video here:

Matapos ang patung-patong na audit, assessment, testing, at validation ng iba’t ibang mga banyaga at lokal na mga eksperto, nagsimula na po ang gradual deployment ng Dalian trains para sa passenger service ng MRT-3.

Lulan ng unang tren na idedeploy ang DOTr Team sa pangunguna ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Napakarami po nating ginawa na patung-patong na assessment para masiguro na ligtas na gamitin ang mga tren. Lahat ng kailangan i-address ay ginawa po at zero cost to government. Wala po tayong ginastos ni singkong duling. ‘Yung results ng audit and assessment, pina-assess natin para masiguradong natugunan nga ang mga observations. Pagkatapos, meron pang validation. Lahat po ‘yan ginawa natin para masiguro na safe at tugma ang mga tren sa MRT-3,” said DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan.

“Ang problema natin sa MRT-3 ay hindi lang ang kakulangan ng tren, na takdang tugunan ng dagdag na Dalian Trains. May problema rin sa lumang mga tren, sa riles, sa lumang signaling, at sa kung ano ano pa. Marami pa pong dapat ayusin. Kaya naman ang kinuha nating single-point-of-responsibility na service provider ay ‘yung orihinal na nag-design at nag-construct ng MRT-3,” added Usec. Batan.

Undersecretary Batan also said that apart from an improved and rehabilitated MRT-3, Filipinos can also look forward to other railway projects all over the country.

“Ang MRT-3 ay 17 kilometers lamang. Ang tinatayo po natin ngayon ay nasa higit 1,500 kilometro ng bagong mga railway system mula Luzon hanggang Mindanao, at karamihan po niyan ay matatapos ng 2022,” he said.

For his part, Secretary Tugade assured Filipino commuters that the government has been working double time to fast-track improvements and infrastructure projects.

“Ang trabaho natin ay pangitiin ang ating mga kababayan. Hindi po pwedeng mapagos. Ang bilin ni Presidente Duterte, magbigay ng comfortable life for all, at iyan po ang ginagawa at patuloy na gagawin natin,” Secretary Tugade said.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.