Good news! Mga Senior Citizen sa Maynila, makakatanggap ng cash gift sa kanilang kaarawan simula 2020

Simula susunod na taon, makakatanggap na ang mga senior citizen ng Maynila ng cash gift tuwing kaarawan nila.

Ito ay matapos pirmahan ngayong araw ni Manila Mayor Isko Moreno ang City Ordinance No. 8570.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, makakatanggap ang mga senior citizen ng ₱800 na birthday gift mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, nakuha nya ang ideya sa Makati City kung saan nagbibigay ito ng cash gift sa mga senior citizen. Hindi naman aniya kahiya-hiya ang kopyahin ang nasabing proyekto lalo na kung makakatulong ito sa mga senior citizen ng Maynila

Magsisimula ang pagbibigay ng birthday cash gift sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.