Good news! Mindanao Railway Project, sisimulan na sa susunod na taon – MinDA

Sisimulan na sa susunod na taon ang unang phase ng Mindanao Railway System na magdudugtong sa mga pangunahing lungsod sa Davao Region, partikular na ang Digos, Davao at Tagum.

Ito ang inihayag ni Mindanao Development Authority (MinDA ) Information Officer Adrian Tamayo.

Ayon kay Tamayo, sinabi sa kanya ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Eymard Eje noong nakaraang linggo, na sisimulan na ang naturang proyekto sa unang quarter ng 2020.

Sinabi di umano ng opisyal, na pormal na sisimulan ang bidding para sa construction ng unang phase ngayong Nobyembre, at target naman nito ang groundbreaking sa unang buwan sa susunod na taon.

Dagdag ni Tamayo na sa ngayon, naghahanda na ang isang grupo ng mga Chinese engineering consultants para sa susunod na phases ng railway system.

Kamakailan, na antala ang naturang proyekto dahil sa problema ng right of way na dadaanan na ruta ng naturang tren.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.