Good News! “No Balance Billing” Policy o Walang Dagdag Bayad – PhilHealth

Ang “No Balance Billing” Policy o Walang Dagdag Bayad Policy sa PhilHealth ay isang polisya kung saan ang isang kwalipikadong kasapi ng PhilHealth (Indigent, Sponsored, Kasambahay. Lifetime at Senior citizens) na na-confine sa ward or service bed sa isang government hospital ay hindi na sisingilin ng karagdagang bayad para sa mga serbisyong naibigay.
Sa polisya ng No Balance Billing, dapat na maibigay ng mga ospital ang kumpletong serbisyong may kalidad. Wala na dapat babayaran pa ang isang kasapi para sa kuwarto, gamot, supplies, laboratory, X-ray at bayad sa sebisyo ng mga doktor ayon sa PhilHealth.
Para po sa inyong kaalaman, ang No Balance Billing o NBB ay para sa lahat ng mga Indigent, Sponsored, Kasambahay, Senior Citizens at Lifetime Members kung saan wala nang dapat bayaran pa dahil sagot lahat ng PhilHealth ang buong gastusin sa pagpapagamot ngunit kinakailangan tayo ay naka confine sa pampublikong o government na pagamutan at na sa service o charity ward na accredited ng PhilHealth.
Pero kung tayo po ay na-ospital at naconfine sa pribadong ospital ay may package lang po na ibabawas sa ating hospital bill at binabase po ito sa final diagnosis o operasyong ginawa ng doktor.
Mga katanungan ng mga Netizens:
Tanong ng isang netizen na si Ken Guilalas: Paano po mag apply ng lifetime philhealth?
Ito ang sagot ng PhilHealth: Kabilang sa mga qualifications po natin upang makapag-apply ng lifetime membership ay dapat edad na 60 pataas na po ang miyembro maliban na lamang sa ating mga retiradong uniformed personnel na sa edad na 56 ay maaari ng mag-apply ng lifetime membership. kinakailangan din po na mayroon kayong 120 contribution sa Philhealth at / o medicare. Magtungo lamang sa aming tanggapan punan ang PMRF ilakip ang kopya ng 2 valid id, 2pcs 1×1 picture at proof of docs ng 10 yrs of contribution. Maraming Salamat po.#MyPhilHealth /rtc
Samantala ang tanong ni Shirley Lacastesantos Columbres: Paano po kung nkaadmit sa private hospital? Hi! kung tayo po ay na-ospital at naconfine sa pribadong ospital ay may package lang po na ibabawas sa ating hospital bill at binabase po ito sa final diagnosis o operasyong ginawa ng doktor. Maraming Salamat po. #MyPhilHealth /rtc
At si Joanna Marie Pezo: sakin naexpired yung sponsored ko. paano ibalik yan? sagot ng PhilHealth: Magtungo lamang sa DSWD para sa renewal ng inyong Indigent/Sponsorship. Maraming Salamat po. #MyPhilHealth /rtc
Ito naman ang katanungan ni Annasol Tee Marquez: ilang months ba bago mkuha ang refund?sagot naman ng PhilHealth: Hi! nais po naming ipaalala na ang proseso ng isang claim ay maaaring umabot ng 60 araw mula sa petsa kung kailan natanggap ng PhilHealth ang inyong mga dokumento. Maraming Salamat po. #MyPhilHealth /rtc
Sa mga iba pang katanungan bisitahin po ang Website: https://www.philhealth.gov.ph/ at Facebook: https://www.facebook.com/PhilHealth/
Souce: Facebook