Good news: P1.04B target ng DOTr sa Metro Manila bike lanes

Target ng Department of Transportation ang P1.04 bilyon para sa bike lane network sa Metro Manila.

Batay kay Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor, ang budget ay magmumula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) bill kung saan pahihintulutan ni President Rodrigo Duterte ang realigning sa pondo ngayong health crisis,

“Ang atin pong direksyon talaga ngayon ay ang promosyon po ng active transport dahil maganda po ito, mababawasan ang ating sasakyan sa kalsada,” aniya sa isang panayam.

“Maipo-promote din natin ang mas magandang kalusugan po ng ating mga kababayan,” punto pa nito.

Sa ulat ay nakatakdang ratipikahan ng mga mambabatas ang P140 bilyong Bayanihan 2 bill sa Lunes, Agosto 25.

Layon naman ng DOTr na maglagay ng temporary bike lane networks sa mga lugar na malapit sa ospital tulad ng Maynila at Quezon City.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.