Good news! Pilipinas, isa na sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo – Gallup

Ang Pilipinas ang isa sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo pag dating sa kumpyansa ng mga residente nito sa police at law enforcement agencies ayon sa isang U.S based analytics firm na Gallup’s.

Sa 2020 global law and order report, ang Pilipinas ay mayroong 84 law and order index kung saan kaparehas nito ang mga bansang Australia, New Zealand, Poland at Serbia.

Paliwanag ng Gallup, kapag mas mataas ang iskor, mas mataas ang bilang ng populasyon na nakararamdam na sila ay ligtas.

Pinangunahan ng Singapore at Turkmenista ang index na mayroong 97 na sinundan naman ng China at Ice Land na may 94 at Kuwait na may 93.

Ang Afghanistan ang may pinaka mababang iskor sa index na mayroon lamang na 43 na sinundan ng Gabon na may 52 at Cenezuela at Liberia na may 54.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.