GOOD NEWS! SORSOGON CITY COASTAL ROAD IS NOW OPEN

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong four-lane Sorsogon City Coastal Road na may habang 5.52 kilometro at may tanawin ng baybayin ng Sorsogon.

Maliban sa pagpapabilis ng daloy ng trapiko at pagpapaigting ng lokal na ekonomiya, ang bagong kalsada na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa storm surge mula sa madalas na bagyong tumatama sa Bicol Region.

Kasabay ng mga benepisyo ng mga infrastructure projects, patuloy ang pagbibigay ng trabaho at kita para sa ating mga manggagawa na siyang nakakatulong sa economic recovery ng ating bansa mula sa epekto ng pandemya.

Ayon sa datos ng DPWH, tinatayang umabot na sa 5 milyong trabaho ang naibigay ng Build, Build, Build program simula 2016 hanggang 2019. Tinatayang madadagdagan pa ito ng 1.5 milyon ngayong taon.

Para sa karagdagang impormasyon: http://build.gov.ph/

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.