Groundbreaking ng P51-B Metro Manila Subway, gagawin ngayong taon

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na sa taong 2022 ay magsisimula na ang pagbibiyahe ng mga tren na dadaan sa mga subway matapos itakda ang groundbreaking ng Metro subway ngayong Disyembre 18, 2018.

“‘Yung date napagkasunduan na po ‘yan, at talagang gusto na ho namin mag groundbreaking sa Disyembre—eto ho ‘yung target namin,” Transportation Secretary Arthur Tugade said at the new forum.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, nakatakda na ang partial operations ng Metro Manila Subway para sa North Ave., Mindanao Ave., at Tandang Sora station sa taong 2022.

“Yung ating pag-procure ng contractor para sa partial operability section ng three stations, kasama na yung depot at Philippine Railway Institute, ‘yan ay nakatakdang i-award ngayong Nobyembre. Kaya inilalatag na natin ang groundbreaking as soon as mobilized natin ang contractor,” paliwanang ni Batan sa naganap na press briefing.

Matatandaang naganap ang loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japanese government noong Marso 2018 kung saan nagkasundo ang dalawang gobyerno para sa subway project na may initial tranche na nagkakahalaga ng 104.53 billion yen o nasa PHP51 billion.

Ang first phase ng 25-km. underground railway ay nagkakahalaga ng P356.96 billion na may inilaang 14 station mula Mindanao Ave.sa Quezon City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.

Ang subway train ay inaasahan na mabawasan ang oras ng pagpasok mula Quezon City papuntang airport hanggang sa 40 minuto.

Habang ang ilang phases ng subway system ay papunta sa San Jose del Monte, Bulacan at Dasmariñas, Cavite.

Nakatakda na ang konstruksyon ng mga subway sa susunod na taon at asahan ang full operation at matatatapos sa taong 2025.

Facebook Comments

1 thought on “Groundbreaking ng P51-B Metro Manila Subway, gagawin ngayong taon

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.