Grupong KADAMAY, idinaan sa kilos-protesta ang paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

Sumugod sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City ang grupong KADAMAY para kundenahin ang umanoy sunod-sunod na demolition sa iba’t ibang panig ng bansa. 

Ginawa ng grupo ang kilos-protesta bilang paraan ng kanilang paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio ngayong araw. 

Sa harap ng NHA, isinigaw ng grupo ang umanoy kawalang aksyon ng pamahalaan sa programang pabahay para sa mga maralitang taga-lungsod. 

Kaliwat-kanang demolition ang ginawa sa panahon ng pandemya kung saan labag daw ito sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang demolition hanggat nasa ilalim ng National Health Emergency ang Pilipinas. 

Matapos ang kanilang programa ay nagtungo ang KADAMAY sa UP Diliman para sumama sa iba pang militanteng grupo na nagsagawa rin ng mga kilos protesta. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.