Habambuhay na kulong kay Albayalde – Sen Gordon

Dapat umanong makulong nang habambuhay si dating Philippine National Police chief Oscar Albayalde at 13 na dati niyang mga tauhan, ayon sa rekomendasyon ng Senate blue ribbon and justice committees na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.

watch the video here:

Ito ay dahil sa pagre-recycle umano ng mga ito ng nasa 162 kilo ng shabu sa anti-drug operation sa Pampanga noong 2013.

Ani Gordon, “biggest fish ever” si Albayalde sa naging role nito sa raket ng mga “ninja cop”.

“When you misappropriate the drugs [you confiscated] and you sell it, that’s life imprisonment. When you failed to account confiscated drugs, that’s punished under this law,” paliwanag ni Gordon.

Batay aniya sa Section 27 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pinapatawan ng life term ang isang government official na nag-“misappropriates, misapplies or fails to account for confiscated, seized or surrendered dangerous drugs.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.